Nagbukas ang pamunuan ng Barangay Old Balara ng community pantry para pagkalooban ng iba’t ibang uri ng gulay at goods ang mga ama ng tahanan na nawalan ng hanapbuhay dahil sa pandemya.
Maaga pa lamang ay pumila na ang mga ito sa kahabaan ng Commonwealth Avenue corner Calderon St., Brgy Old Balar, Quezon City.
Mga talong, okra, ampalaya, sili, kamatis, noodles, delata, tinapay, bigas at itlog ang natanggap ng 700 na mga kalalakihan.
Ang community pantry ay inorganisa ng Act Female Now Movement katuwang ang mga organized Labor organization sa ilalim ng Union Network International Philippines Liaison Council.
Katuwang nila ang Buklod ng Manggagawa sa RCPI (BMRCPI-NFL), Globe Telecom Employees Union (GTEU-FFW), Lakas sa Industriya ng Kapatirang Haligi ng Alyansa (LIKHA), Joint federations of Philippine Agricultural, Commercial, Industrial Workers Union (PACIWU), National Congress of Unions in the Sugar Industry of the Philippines (NACUSIP), Congress of Independent Organizations (CIO), National Alliance of Broadcast Unions (NABU), National Union of Bank Employees-Insurance and Finance Organization (NUBE-IFO), Union Impresores de Filipinas (UIF) at Kilusan ng Manggagawang Makabayan (KMM-Katipunan).
Ang community pantry ay kasabay ng paggunita sa pandaigdigang Araw ng Paggawa.
Ang mga pinayagan lamang na pumila ay may edad na 20 hanggang 55 taong gulang at mga pawang nawalan ng trabaho sanhi ng pandemya.