Community pantry sa Barangay Fairview, Quezon City, itinayo para sa mga nanay

49

Dinagsa kaninang umaga ng mga nanay ang community pantry sa Barangay Fairview, Quezon City.

Maliban sa mga gulay, isda at food packs, namahagi rin ng mga lutong pagkain tulad ng pansit, lugaw at mami.


Nakatanggap din ng mga rosas ang mga nanay na pumila sa nasabing community pantry.

Ayon kay Barangay Fairview Chairman Jose Arnel Lim Quebal, ang itinayo nilang community pantry ay espesyal dahil sa pagdiriwang ng Mother’s Day ngayong araw.

Aniya naghanda sila para sa 2,000 mga nanay na nakatira sa nasabing barangay.

Maliban sa mga kawani ng barangay, tumulong na rin ang mga pulis ng Quezon City sa pamimigay ng bulaklak at sa pagpapatupad ng health and safety protocols laban sa COVID-19.



Facebook Comments