Community pantry sa may bahagi ng Maginhawa, Quezon City, dinarayo

Sa kabila ng kawalan ng trabaho at kita ng mga Pilipino dulot ng pandemya, may mangilan-ngilan pa rin sa atin mga kababayan ang nais makatulong sa kapwa.

Tulad nalang sa 26- years- old na si Ana Patricia Non.

Siya lang naman ang nagpasimuno ng “Community Pantry” na kanyang itinayo sa gilid ng kalsada ng Maginhawa Street, Quezon City.


Laman ng “Community Pantry” ang iba’t ibang klase ng gulay tulad ng sitaw, upo at okra.

Meron din mangga, kamias, bigas, canned goods, alcohol, vitamins C at marami pang iba na libre lang para sa mga nangangailangan.

Kaya naman pinipilahan ito ngayon matapos itong i-post ni Ana sa kanyang Facebook accout at nag- viral.

Ngayon dinarayo na ito ng mga tao, ang iba sa kanila ay kumukuha para may makain, yung iba naman dumarating upang mag-donate.

Upang matiyak na masusunod ang health protocols sa “Community Pantry” nilagyan ito ng paalala ukol dito at hand sanitizer para mag-sanitize muna bago kumuha na mga goods.

Facebook Comments