Community pantry sa Quiapo, Maynila, namigay ng isang kaban ng bigas at ibang pagkain kapalit ng mga plastic bottles

Isang community pantry ang itinayo ng mga opisyal ng barangay na dinagsa ng mga residente sa Quaipo, Maynila.

Ito’y dahil sa namigay ang community pantry ng Barangay 306 ng tig-iisang kaban ng bigas bawat pamilya kapalit ng mga plastic bottles na iniipon sa recycling bin ng barangay.

Bukod sa isang kaban ng bigas, namigay rin sila ng mga piraso ng manok, mga sariwang gulay, itlog at sardinas kasama ang isang balot ng face mask.


Para masiguro na masusunod ang inilatag na health protocols, bantay sarado ng Plaza Miranda PCP ng MPD ang pila.

Nais kasi nila na matiyak na may distansiya, naka-face mask at face shield ang mga nakapila at tanging mga residente lamang na may dalang stub na bigay ng barangay ang papayagang makakuha ng ayuda.

Paliwanag naman ni Chairman Joey Amisola na pantry ang ginawa nila dahil aniya sumusugod din naman sa kanilang barangay hall ang mga residente tuwing namamahagi sila ng ayuda sa bahay-bahay.

Facebook Comments