Posibleng manatili ang community quarantine restrictions sa Metro Manila pagkatapos ng July 15.
Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, lumalabas sa mga datos na ang case doubling time at critical care capacity ay hindi nagpapahiwatig na luwagan ang restrictions.
Pero ang pinal na desisyon ay na kay Pangulong Rodrigo Duterte na i-aanunsyo ang mga community quarantine levels bukas, June 15.
Para naman kay National Task Force against COVID-19 Chief Implementer Carlito Galvez Jr., maaaring magpatupad ang Metro Manila mayors ng “hybrid” community quarantine classification kung saan mahigpit ang pagpapatupad ng health protocols pero mas bubuksan ang economic activities.
Ang Metro Manila ay kasalukuyang nasa General Community Quarantine (GCQ).