Community quarantine status, malabo pang luwagan sa ilang bahagi ng bansa ngayong taon

Iginiit ng Malakanyang na malabo pang alisin ang ipinatutupad na community quarantine sa iba’t ibang bahagi ng bansa ngayong taon.

Kasunod ito ng pahayag ni Interior Undersecretary Epimaco Densing III na pinag-aaralan na ng technical working group (TWG) ng Inter-Agency Task Force (IATF) ang pag-alis ng community quarantine.

Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, ang ganitong hakbang ay kailangan pang pag-usapan at dedisyunan ng IATF.


“Hindi ko po alam. That’s a decision to be made by the IATF ‘no pero tingin ko po, malabo pa iyan. Malabo pa po iyan. So, anyway, I apologize kung hindi po masyadong naging malinaw ang aking earlier statement kasi pag-apela naman po ang status quo ay iyong inaapela,” ani Roque.

Sinabi naman ni Cabinet Secretary Karlo Nograles na maaari lamang alisin ang community quarantine sa sandaling nakapagbakuna na ang 50 hanggang 70 milyong Filipino.

Una nang sinabi ni Health Undersecretary Maria Rosario na “long-term goal” ang pag-aalis ng community quarantine sa buong bansa.

Facebook Comments