Community quarantine violators, umabot na sa mahigit 426,000 ayon sa JTF COVID Shield

Umakyat na sa 426,720 ang mga naitalang community quarantine violators ng Joint Task Force (JTF) COVID Shield.

Ang bilang na ito ay mula March 27 nang magsimula ang community quarantine hanggang kahapon ay September 27, 2020.

Sa ulat ni JTF COVID Shield Commander Lieutenant General Guillermo Eleazar, 111,450 violators ang nakulong at na-inquest at ang iba ay pinalabas din matapos sampahan ng kaso.


Habang 165, 267 sa community violators ay binigyan lang ng warning at pinauwi rin, 150,003 naman ay pinagmulta.

Ang bilang ng community violators ay nadagdagan ng 2,630 kumpara noong September 26 na umaabot lang sa 424,090.

Kaya naman puspusan pa rin ang pagpapatupad ng quarantine protocols ng JTF COVID Shield para mabawasan na ang bilang ng quarantine violators.

Facebook Comments