Umakyat na sa 433, 399 ang mga naitalang community quarantine violators ng Joint Task Force COVID Shield.
Ang bilang na ito ay mula March 27 nang magsimula ang community quarantine hanggang September 30, 2020.
Nadagdagan ito ng 6,679 quarantine violators mula nang mag-update ang JTF COVID Shield nitong September 27.
Sa ulat ni JTF COVID Shield Commander Lt. General Guillermo Eleazar, 112,852 violators ang nakulong at na-inquest at ang iba ay pinalabas din matapos sampahan ng kaso.
Habang 166, 613 sa community quarantine violators ay binigyan lang ng warning at pinauwi rin, 153, 934 naman ang bilang ng mga pinagmulta.
Dahil sa patuloy na pagdami ng mga nahuhuling lumalalabag, puspusan pa rin ang paalala ng JTF COVID Shield sa publiko na sumunod sa mga quarantine protocols para hindi mahawa ng COVID-19.