Humigit-kumulang 60 indibidwal sa Mangaldan, kabilang ang ilang dating lumabag sa batas, ay sumailalim sa kasanayan para sa muling pagbabalik sa lipunan.
Layon ng pagsasanay na magbigay ng karagdagang kaalaman at kasanayan upang matulungan ang mga kalahok na muling makisama sa komunidad at makahanap ng mapagkakakitaan.
Kabilang sa mga lumahok ang mga miyembro ng TODA, drug surrenderees, Barangay Peacekeeping Action Team (BPAT), at mga kawani ng Municipal Traffic and Regulatory Group (MTRG).
Sumailalim din sa technical training ang mga kalahok sa Solar Roof Installation na itinuro ng isang partner group.
Ayon sa Mangaldan Police Station, inaasahan ang karagdagang pagsasanay sa mga susunod na buwan kapag nakumpleto na ng mga kalahok ang kinakailangang dokumentasyon.









