Community Support Program ng Militar, Malaking Epekto sa Pagkakakubkob ng Kampo ng NPA sa Echague Isabela!

Echague, Isabela – Malaki ang naging epekto ng Community Support Program na isinasagawa ng militar sa naganap na pagkakakubkob ng kampo ng New People’s Army sa Barangay San Miguel, Echague, Isabela kahapon.

Ito ang naging pahayag ni Army Captain Jefferson Somera, ang Division Public Affairs Officer ng 5th. Infantry Division Philippine Army.

Aniya naging patunay na umano ito ang patuloy na pagsuko ng mga militia ng bayan at mga supporters ng NPA.


Sinabi pa ni Captain Somera na maganda at malaki ang naitutulong ng programang Community Support na para sa pangangailangan ng taong bayan kung saan ito ay nasa ilalim ng Enhanced Comprehensive Local Integration Program o ECLIP sa mga lugar na may mga presensya ng NPA.

Paliwanag pa ni Captain Somera na isa sa layunin umano ng ECLIP programa ay upang maipatupad ang komprehensibong localized peace talks.

Facebook Comments