Community transmission ng monkeypox virus sa England, kinumpirma ng isang health agency

Kinumpirma ng UK Health Security Agency (UKHSA) na may person-to-person transmission na ng monkeypox virus sa England.

Ayon sa UKHSA, karamihan sa mga kaso ay mula sa London na umabot sa 132, kung saan 111 dito ay kumalat sa mga LGBTQ+.

Dagdag pa ng ahensya, na natukoy ang link ng virus sa mga gay bar, sauna, at paggamit ng mga dating app sa Britain at sa ibang bansa.


Kaugnay nito ay iniimbestigahan na ng UKHSA ang mga kumpirmadong kaso ngunit wala pa ring matukoy na dahilan o exposure na nag-uugnay dito.

Samantala, iniulat naman ng World Health Organization (WHO) na nasa higit 550 na ang kumpirmadong kaso ng monkeypox mula sa 30 bansa sa Africa.

Facebook Comments