Community Transmission sa City of Ilagan, Active pa rin; Bilang ng Active cases, nasa 171

Cauayan City, Isabela-Umaabot na sa 171 ang kabuuang aktibong kaso ng COVID-19 sa lungsod ng Ilagan batay sa pinakahuling datos ng City Inter-agency Task force on COVID-19.

Sa panayam ng iFM Cauayan kay City Information Officer Paul Bacungan, ilang barangay na rin ang isinailalim sa lockdown dahil sa mataas na bilang ng tinatamaan ng COVID-19.

Kaugnay nito, nananatili pa rin sa ‘active status’ ng Community Transmission ang lungsod na inaasahang matatapos ang containment sa Pebrero 15 kung hindi na magtutuloy-tuloy pa ang dagdag na kasong naitatala.


Sa hiwalay naman na panayam kay Dra. Herbee Barrios, pinuno ng CIATF, naitala ang may pinakamaraming cumulative cases sa Brgy. Alibagu sa mga nagdaang linggo.

Sa kabila nito,tiniyak naman ng lokal na pamahalaan na nababantayan ng mabuti ang sitwasyon ng mga pasyenteng nasa isolation facility.

Una nang sinabi ni Mayor Josemarie Diaz na may ilan sa Ilagueño ang tila hindi sumusunod sa ipinapatupad na health protocol.

Panawagan naman ng opisyal na ugaliin pa rin ng publiko ang pagsunod sa polisiya upang maiwasan ang hawaan sa COVID-19.

Facebook Comments