Commuters’ group, payag sa taas-pasahe sa jeep kung hanggang P2 lang

Hindi tututulan ng isang commuters’ group ang nakatakdang pagtataas muli ng pamasahe sa jeep.

Una rito, sinabi ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na aaprubahan nila ngayong linggo ang nakabinbing fare hike petition dahil nauunawaan nila ang bigat ng panibagong oil price increase sa mga jeepney drivers at operators.

Hirit ng mga transport group na itaas sa P15 ang minimum fare mula sa kasalukuyang P11.


Pero sabi ni National Center for Commuter Safety and Protection Chairperson Elvira Medina, hanggang dalawang pisong taas-pasahe lamang ang susuportahan nila.

Aniya, sobra-sobra ang P15 na minimum fare para mga ordinaryong manggagawa.

Nito lamang Hulyo nang pagbigyan ng LTFRB ang dalawang pisong provisional fare hike bilang tulong sa mga tsuper sa gitna ng walang prenong pagsipa ng presyo ng langis.

Facebook Comments