Commuters group, tiwalang hindi mananalo sa 2022 election si Mayor Sara

Kumpiyansa ang National Center for Commuter Safety Protection na hindi mananalo sa 2022 election si Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio.

Ayon kay NCCSP Chairperson Elvira Medina, hindi na mananalo sa eleksyon ang alkalde dahil na rin sa palpak na administrasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Aniya, tapos na ang Pilipinas sa lider na palamura at hindi na dapat sundan ng isa pang lider na butangera.


Giit pa ni Medina, sa sektor lamang ng mga commuter ay kalbaryo na ang naging karanasan ng mga ito matapos pagbawalang makabiyahe ang mga provincial buses sa Metro Manila.

Hindi rin aniya kailangan ng bansa ng isang gobyerno na umiikot sa patayan bagkus ang kailangan ng Pilipinas ay pag-asa.

Naniniwala rin ito na dapat humingi ng tawad si Pangulong Duterte sa mga nangyaring patayan sa bansa sa loob ng kanyang termino.

Facebook Comments