Compassionate Special Permit, hindi lisensiya para mamahagi at magbenta ng isang gamot – FDA

Iginiit ng Food and Drug Administration (FDA) na hindi lisensiya para sa distribusyon at pagbebenta ng gamot sa mga pasyente ang Compassionate Special Permit (CSP).

Ayon kay FDA Dir. Gen. Eric Domingo, hindi marketing authorization ang CSP kaya’t bawal pa rin ipamigay o ibenta ang Ivermectin.

Ang pinayagan lamang aniya ay ang doktor at ospital na nagsumite sa kanila ng hiling para sa CSP at obligado sila na magsumite ng report sa pasyenteng gagamit ng Ivermectin at ang kondisyon nito.


Sinabi pa ni Dr. Domingo na pwede rin maging bahagi ng clinical trial ang paggamit ng ospital na nabigyan ng CSP sa pamamagitan ng paggawa ng case study ng pagamutan na pinayagan.

Patuloy rin na naka-monitor ang FDA sa Phase 3 clinical trial na ginagawa na sa ibang bansa at iba pang mga pag-aaral sa paggamit ng Ivermectin sa tao.

Facebook Comments