Umapela si House Deputy Majority Leader at Bagong Henerasyon Partylist Representative Bernadette Herrera sa Philippine Competition Commission (PCC) na magsagawa ng motu propio investigation sa competition policies ng LTFRB.
Ito ay matapos desisyunan ng LTFRB na bawasan ang initial cap ng mga Angkas bikers sa 10,000 mula sa kasalukuyang 27,000 para bigyang daan ang pagpasok ng ibang market players na Joy Ride at Move It.
Hiling ni Herrera sa PCC na manguna sa pagsasaayos sa competition-related issues na kinakaharap ng Angkas.
Giit ni Herrera, ang pagpasok ng dalawang bagong providers na kakumpitensya ng Angkas ay hindi dapat mangahulugan ng pagkawala ng kabuhayan ng mga ito.
Ipinakukunsidera din ng Lady Solon sa Angkas ang pagsaklolo sa PCC o kaya ay sa Court of Appeals para maidulog ang kanilang mga reklamo sa bagong patakaran ng LTFRB.