Reklamong rape by sexual assault at acts of lasciviousness vs Rep. Teodoro, isinumite na sa DOJ

Nagsumite ng complaint-affidavit sa Department of Justice (DOJ) ang dalawang babaeng pulis laban kay Marikina 1st District Representative Marcelino Reyes Teodoro para sa kasong rape by sexual assault at acts of lasciviousness.

Ayon sa dalawang babaeng pulis na nagrereklamo, na-assign umano sila bilang close-in security ng nasabing akusado kung saan naganap ang mga insidente ng pang-aabuso.

Ang reklamo ay sasailalim sa case build-up at legal evaluation para malaman ang kasapatan ng mga ebidensya bago ang mangyayaring preliminary investigation.

Samantala, ang akusado ay bibigyan ng full due process habang ang pagkakakilanlan ng dalawang nagrereklamo ay nananatiling pribado para sa kanilang kaligtasan.

Sa ngayon, wala pang sagot ang kampo ni Congressman Teodoro ukol dito.

Facebook Comments