Complaint center kontra vote buying sa BSKE, target buksan ng Comelec

Target ng Commission on Elections (COMELEC) na magbukas ng ‘kontra bigay complaint center’ (KBCC) para sa nalalapit a Barangay and Sangguniang Kabataan Elections (BSKE) 2023.

Ang complaint center ay inaasahang tutugon sa mga reklamo at ulat ng mga vote buying at vote selling sa buong bansa.

Sa inisyal na plano ng Comelec, bubuksan ang mga complaint center mula alas-8 ng umaga hanggang alas-5 ng hapon.


Pero pagsapit ng October 29, bubuksan na ito ng 24 oras, at magtatagal hanggang sa October 31 o isang araw matapos ang aktwal na botohan.

Ang KBCC ang siyang tutulong sa pag-dokumento ng mga complaints, pangongolekta ng mga ebidensya ng vote buying at vote selling, at mag-refer ng mga complaints sa election officer.

Tiniyak naman ng Comelec na magiging confidential ang lahat ng impormason na kanilang matatanggap.

Facebook Comments