Manila, Philippines – Isusumite na sa July 9 ng Consultative Committee (Con-Com) kay Pangulong Rodrigo Duterte ang complete draft ng bagong federal constitution.
Ayon kay Committee Spokesman Ding Generoso, pagbobotohan na ng mga ConCom members ang draft constitution sa en banc session sa June 14.
Aniya, nasa proseso na sila ng fine tuning, editing at proofreading sa draft articles ng ipinapanukalang bagong saligang batas.
Sabi ni Generoso, tatlong natitirang artikulo ang kailangang isapinal, ito ay ang federated regions, transitory provisions at amendments.
Magkakaroon din ng regional presentation at public consultation sa proposed federal charter sa Dumaguete (June 17-19), Butuan at Legazpi (June 21-23), at Baguio at Tacloban (June 25-27).
Facebook Comments