Completion ng Phase 1 ng Boracay rehab, nakaamba ngayong buwan

Photo Courtesy: DPWH//Twitter

Inihayag ni Public Works and Highways Secretary Mark Villar na ang Boracay Circumferential Road Rehab Phase 1 ay halos kompleto na.

Ginawa ni Villar ang pahayag matapos nitong mag-inspeksyon sa 4.1 kilometer na daanan.

Ayon kay Villar ang pagkakakumpleto ng Phase 1 ng nasabing rehabilitasyon ay nangangahulugan na ang mga motorista ay maaari nang gamitin ang 2.66 kilometer section mula Cagban Port hanggang sa Hue hotel.


Gayundin ang 1.462 kilometer segment ng Hue Hotel hanggang Elizalde Property.

Base naman sa pahayag ng DPWH, maliban sa nasabing Boracay Circumferential Road ay gagawin din ng DPWH ang isang daanan sa kahabaan ng Lake Town, malapit sa isang mall sa lugar.

Facebook Comments