Bumaba ng 21% ang pagsunod ng publiko sa minimum public health standards sa kabila ng patuloy na pagtaas ng kaso ng COVID-19.
Babala ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, kung patuloy na magpapabaya ang publiko, posibleng umabot sa 3,800 hanggang 4,600 ang arawang kaso ng COVID-19 dito pa lamang sa Metro Manila pagsapit ng kalagitnaan ng Hulyo.
Habang papalo sa 5,300 ang maitatalang bagong kaso ng COVID-19 sa buong bansa sa kaparehong panahon.
Una rito, sinabi ng OCTA Research Group na tumaas sa 5.9% ang positivity rate sa NCR noong June 25 mula sa 3.9% noong June 18.
Sa kabila nito, nilinaw ni Vergeire na wala pang “significant increase” sa severe at critical COVID-19 cases habang nananatiling mababa sa 20% ang healthcare utilization sa bansa na ayon sa DOH ay maituturing na “manageable.”