COMPLIANCE ORDER | Listahan ng mga kumpanyang sangkot sa illegal contractualization, ibinigay na kay Pangulong Duterte

Manila, Philippines – Kinumpirma ng Department of Labor and Employment (DOLE) na naibigay na nila kay Pangulong Rodrigo Duterte ang listahan ng 3,377 mga kompanyang sangkot sa ilegal na contractualization.

Ayon kay Labor Secretary Silvestre Bello, produkto ito ng mga inspeksiyon na isinagawa mula Hunyo 2016 hanggang Abril 2018.

Giit pa ni Bello, bagama’t wala sa top 20 ay may mga kasali ring malalaking hotel at ospital sa listahan.


Hindi naman aniya isinama sa listahan ang SM Malls dahil nangako ito na magre-regular ng 10,000 tauhan.

Pinadalhan na ng mga compliance order ang mga kompanyang pasok sa listahan ng DOLE para gawing regular ang kanilang mga empleyado.

Nabatid na mahigit 99,000 pa lang sa 900,000 kompanya sa bansa ang nainspeksiyon na ng DOLE.

Facebook Comments