Components ng fire detection at alarm system ng MRT-3, ininspeksyon

Ininspeksiyon ng Metro Rail Transit o MRT-3 management ang mga component ng fire detection at alarm system ng linya upang matiyak na walang aberya sa sistema.

Layon nito na matiyak na walang sira ang mga smoke at heat detectors, control panels, alarm bells, manual pull station, at iba pang components ng fire detection and alarm system na siyang nagbibigay ng early warning sakaling magkaroon ng hindi inaasahang sunog sa anumang gusali.

Isinunod naman dito ang pag-inspeksiyon sa mga istasyon ng MRT-3.


Dahil dito, tiyak na magiging ligtas ang pagbiyahe ng mga pasahero patungo sa kanilang destinasyon.

Facebook Comments