Manila, Philippines – Iginiit ni Senator Panfilo PingLacson ang pagbuo ng isang composite tactical force na walang gagawin kundibantayan at pag-aralan kung paano mapupulbos ang Abu Sayyaf Group.
Nabanggit na composite tactical force aniya ay bubuuin ng mga grupo mula sa Armed Force of the Philippines, Philippine National Police at National Bureau of Investigation.
Ang mungkahi ni Lacson ay kasunod ng pagpugot ng bandidong grupo sa isang sundalo.
Tiwala si Lacson na nakaparaming magagaling na mga kasapiang AFP at PNP para maging kabahagi ng bubuuing grupo na walang gagawin almusalin, ipananghalian at hapunan ang pag neutralize sa Abu Sayyaf Group sa lalong madaling panahon.
Binigyang diin pa ni Lacson na ngayon ay dapat paigitingin pa ang opensiba laban sa ASG sa pamamagitan ng pinag ibayong human at technical intelligence work.
Composite tactical force na tututok sa ASG, pinapabuo ni Sen. Lacson
Facebook Comments