Composite Team na magbabalangkas ng bagong Water Concession Agreement, binuo

Bumuo na ng Composite Team ang gobyerno na siyang magbabalangkas ng bagong Water Concession Agreement.

Kasama sa Composite Team ang mga abogado ng Office of the Solicitor General, Office of the Government Corporate Counsel, Dept. of Finance at Dept. of Justice.

Ayon kay Justice Sec. Menardo Guevarra, target ng team na mabuo ang draft agreement bago matapos ang taon.


Nilinaw naman ng kalihim na hindi depektibo ang kasalukuyang kasunduan ng gobyerno sa Maynilad at Manila Water.

Kailangan lang na alisin ang mga probisyong dehado ang taumbayan at gobyerno.

Hindi muna kasama ang Maynilad at Manila Water sa pagbuo nila ng bagong kasunduan.

Haharapin nila ang Maynilad at Manila Water kapag buo na ang kanilang draft.

Sakaling hindi pumabor ang dalawang Water Concessionaire sa kasunduang ibubuo ng gobyerno, idudulog na nila ito sa korte.

Aminado naman si Guevarra na hindi pa handa ang gobyerno na akuin ang serbisyo ng tubig.

Facebook Comments