Composite teams ng task force PhilHealth, binigyan ng 30 araw para tapusin ang kanilang imbestigasyon

Binibigyan ng Department of Justice (DOJ) ng hanggang 30 araw ang composite teams na binuo ng task force na nag-iimbestiga sa mga anomalya sa Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) para tapusin ang mga isinasagawa nitong imbestigasyon.

Ayon kay Justice Secretary Menardo Guevarra, Convenor ng Task Force PhilHealth, mahalagang matapos ng composite teams ang kanilang imbestigasyon hinggil sa Information technology (IT) at legal sectors sa loob ng isang buwan.

Pagkatapos aniya nito ay ihahanda ang mga reklamo sakaling may sapat na ebidensya.


Ang 30-day period ay magsisimula kapag pormal nang umupo si dating National Bureau of Investigation (NBI) Director Dante Gierran bilang bagong pinuno ng PhilHealth.

Matatandaang nakasaad sa initial report na isinumite ng task force kay Pangulong Rodrigo Duterte, inirekomenda nito ang paghahain ng criminal at administrative complaints laban kay dating PhilHealth Chief Ricardo Morales at iba pang high-ranking officials dahil sa pagkakadawi sa korapsyon.

Facebook Comments