Compound kung saan nag-oopisina ang tanggapan ng ICI, bantay sarado ng pulisya kasunod ng ‘3-day rally ng INC’

Todo ang ginagawang pagbabantay ng mga awtoridad sa labas ng compound ng Department of Energy (DOE).

Ito’y kung saan nag-oopisina ang tanggapan ng Independent Commission for Infrastructure o ICI na nag-iimbestiga sa maanomalyang proyekto ng pamahalaan.

Ayon sa Southern Police District (SPD), parte umano ito ng pagbabantay nila kasunod ng kaliwa’t kanang kilos-protesta na isinasagawa ng religous group at iba’t ibang progresibong grupo.

Nag-deploy umano sila ng halos 50 na pulisya na nakapalibot sa compound at sasakyan ng bumbero.

Nais matiyak ng pwersa ng SPD ang ligtas at maayos na pagsasagawa ng kilos-protesta sa kabila nang panawagan ng mga ito na “transparency and accountability lalo na’t ang ICI ang komisyon na nag-iimbestiga sa flood control anomaly.

Facebook Comments