Comprehensive Anti-Bullying Campaign sa mga pampubliko at pribadong paaralan, inilunsad sa Quezon City

Para labanan ang lahat ng uri ng pambu-bully, inilunsad ng Quezon City Government katuwang Department of Education – Schools Division Office of Quezon City (DepEd QC) ang Comprehensive Anti-Bullying Campaign para sa public at private schools.

Layon ng kampanya ng QC-LGU at DepEd na may temang BAD o Bullying at Diskriminasyon ‘Yan! na maging aware o may kamalayan ang mamamayan pagdating sa isyu ng bullying.

Hinikayat din ng lokal na pamahalaan ng Quezon City na i-report, at palakasin ang mga intervention sa mga kaso ng bullying at diskriminasyon.

Tutugunan ng naturang inisyatiba hindi lamang ang physical at verbal bullying kundi kasama na rin ang cyberbullying o digital harassment na talamak na sa mga estudyante, magulang at mga guro.

Sa pamamagitan ng naturang kampanya, ay nais ng QC-LGU na makamit ang zero discrimination at sinigurong walang estudyante na iba ang magiging trato sa mga paarlan dahil sa kanilang gender, religion, socioeconomic status, itsura at kapansanan.

Facebook Comments