Comprehensive inspection sa grounded na FA-50 fleet ng PAF, patapos na

Halos tapos na ng Philippine Air Force (PAF) ng comprehensive inspection sa kanilang grounded FA-50 fleet.

Ayon kay PAF Spokesperson Col. Ma. Consuelo Castillo, inaasahang ngayong linggo ay matatapos na ang proseso upang maibalik na muli sa full operational status ang mga fighter jet at maipagpatuloy ang mahahalagang misyon nito tulad ng maritime patrol at air space security.

Maaalalang pansamantalang grounded ang 11 FA-50 fighter jets ng PAF matapos bumagsak ang isa nitong aircraft sa Bukidnon na ikinasawi ng dalawang piloto.


Samantala, sinabi pa ni Castillo na hinihinatay pa ang resulta ng voice at data extraction sa flight data recorder ng bumagsak na FA-50 na isinasagawa sa ibang bansa.

Nagpapatuloy rin ang visual interviews sa mga personnel na dawit pati na rin ang pagsusuri sa maintenance at history records ng bumagsak na FA-50 bilang parte ng imbestigasyon.

Facebook Comments