Iginiit sa DILG ng Bagong Alyansang Makabayan o Bayan Southern Tagalog na magsagawa muna ng comprehensive investigation at environmental impact assessment bago ipatupad ang permanent ban sa human settlement sa may 14 kilometer danger zone ng Taal Volcano.
Ayon kay Casey Cruz, spokesperson ng BAYAN ST , tinatayang nasa 408,949 na pamilya ang mawawalan ng tirahan at mawawalan ng kabuhayan sa naturang plano.
Dapat aniyang mag pokus ang gobyerno sa paghahanap ng paraan kung paanong agad na makabangon sa kanilang kabuhayan ang bawat Batangueño.
Nagbabala ang grupo laban sa gustong pagkakitaan ang rehabilitation efforts
Ani Casey, dapat ibuhos ang rehabilitation sa livelihood ng mga apektado sa halip na mag-pokus sa transpormasyon ng Taal lake bilang ecotourism parks, economic zones, at technology hubs.
Sa ilalim ng 2017-2022 CALABARZON Regional Development Plan, ang “Taal Lake ay gagawing ecotourism at leisure zone para higit na mapakinabangan ang potensyal ng turismo nito.