Comprehensive Land Use Plan ng Cauayan City, Isabela, Kasalukuyang Inaayos!

*Cauayan City, Isabela*- Kasalukuyan nang inaayos ngayon ng Pamahalaang Panlungsod ang Comprehensive Land Use Plan ng Lungsod ng Cauayan sa pangunguna ni Sangguniang Panlungsod Edgardo Atienza ng Committee on Labor and Economic Enterprises at Committee on Land Use, Urban Development and Housing.

Sa panayam ng RMN Cauayan kay SP Member Atienza, mayroon na umanong Master Plan ang Pamahalaang Panlungsod mula ngayong taon hanggang sa taong 2027 para sa mga plano ng Lungsod sa lahat ng mga ipapatayong negosyo o proyekto sa nasasakupan nito.

Ayon kay City Councilor Atienza, nakatakdang mailatag sa City Council ngayong August 16, 2018 ang kanilang master plan upang mapag-aralan kung ano ang mga dapat na idadagdag para sa ikabubuti ng Comprehensive Land Use Plan ng ating Lungsod.


Isa umano sa mga nagawa ng Comprehensive Use Plan ay ang tamang paglalagay sa mga Street Lights sa National Highway ng Lungsod ng Cauayan na hindi umano natamaan ng DPWH widening.

Samantala, tututukan na rin umano ng Pamahalaang Panlungsod ang pamunuan ng Primark kaugnay sa mga kinakaharap nitong problema gaya ng pagbaha at mataas na halaga ng kanilang renta.

*Tags: DWKD985Cauayan, RMN Cauayan, Cauayan City, Luzon, Isabela, SP Member Edgardo Atienza*

Facebook Comments