Comprehensive Sexuality Education, ipinasasama sa academic curriculum ng mga mag-aaral

Ipinasasama ni House Committee on Women and Gender Equality Chairperson Maria Lourdes Acosta-Alba sa academic curriculum ng mga mag-aaral ang comprehensive sexuality education.

Ito ay bunsod na rin ng pagtaas ng bilang ng teenage pregnancies dahil kulang sa community-based education at information campaign patungkol sa sex education.

Naniniwala si Acosta-Alba na mahalagang magkaroon ng kaalaman ang mga teenager kung papaano magiging sexually healthy at maging responsable upang maiwasan ang kapahamakan na maaaring idulot ng maagang pakikipagtalik.


Inilarawan pa ng kongresista na isang “alarming phenomenon” ang pagtaas ng teenage pregnancies sa bansa kaya kailangan na ng collective efforts ng lahat ng institusyon upang makontrol ito.

Maliban sa mga estudyante ay iminungkahi rin ni Acosta-Alba na mabigyang kasangkapan ang mga magulang para maturuan ng kaalaman ang mga anak sa sex education.

Marapat lamang aniyang mabago ang mindset at isantabi ang “taboo” sa pagtalakay sa paksang ito lalo pa’t nakakabahala na ang pagtaas ng mga batang ina sa gitna ng pandemya.

Facebook Comments