Manila, Philippines – Inaprubahanna ng House Ways and Means Committee ang comprehensive tax reform package ng administrasyongDuterte.
Sa botohan ng komite, 17na mga kongresista ang nag-yes, apat ang nag-no habang tatlo ang nag-abstain.
Sa ilalim ng panukalangito, hindi na masyadong nabago ang mahahalagang probisyon ng tax reform ng Malakanyang.
Kasama dito ang incometax exemption para sa mga kumikita ng 250,000 pesos sa buong taon.
Nakasaad rin na hahatiinna sa tatlong bigay ang anim na pisong dagdag excise tax sa produktongpetrolyo.
Tatlong piso sa bawatlitro sa unang taon ng implementasyon ng tax reform, dalawang piso kada litrosa ikalawang taon at piso kada litro naman sa ikatlong taon.
Ibinaba naman ang dagdagexcise tax sa mga sasakyan partikular ang sa luxury vehicles na papatawan ng120 percent na buwis kumpara sa dating panukala na 200 percent.
Sampung piso kada litronaman ang buwis sa mga soft drinks at iba pang sweetened beverages at itataaspa ito ng 4 percent kada taon.
Inaalisan naman ng VATexemption ang mga kooperatiba para mapalawig ang VAT base.
Comprehensive tax reform package ng administrasyong Duterte, lusot na sa House Ways and Means Committee
Facebook Comments