Comprehensive Tax Reform Package ng Duterte administration, matagal pa bago maisabatas

Manila, Philippines – Mahaba pa ang lalakbayin ng Comprehensive Tax Reform Package ng Duterte Administration bago ito maisabatas.

Ito ang sinabi ni Albay Rep. Joey Salceda matapos makalusot sa house ways and means committee ang panukalang batas.

Ayon kay Salceda, mayroong apat na bahagi ang CTRP kung saan una na rito ang libreng buwis para sa mga kumikita lamang ng PP 250,000 kada taon at mas mababang rate sa sosobra sa naturang halaga.


Lilimitahan na rin sa labing dalawang sektor ang bibigyan ng exemption sa VAT, at pagpataw ng excise tax sa produktong petrolyo at sa mga sasakyan.

Dadalhin na ang CTRP sa House appropriations committee para pag-usapan ang pondo bago dalhin sa plenaryo para sa panibagong deliberasyon.

DZXL558

Facebook Comments