Comprehensive tax reform package ng Duterte administration, sasalang sa plenaryo ngayong araw

Manila, Philippines – Nakatakda nang isalang ngayong araw sa plenaryo ng kamara ang comprehensive tax reform package na isinusulong ng administrasyong Duterte.

Pero ilang kongresista na ang nagpahayag ng pag-atras ng suporta sa isinusulong na panukala.

Ayon kay Bayan Muna Partylist Representative Carlos Isagani Zarate – ang inaasahang pagbaba ng buwis sa middle class o ordinaryong manggagawa ay babawiin sa dagdag buwis na ipapataw sa ilang produkto o serbisyo.


Tulad aniya ng pagtanggal ng 12 percent Value Added Tax o VAT exemption sa mga renta sa paupahan.

Sinabi rin ni Zarate – hamon din ito para sa Bureau of Internal Revenue (BIR) para kolektahin ang mga buwis.

Para naman kay Albay 2nd District Representative Joey Salceda na siyang Vice Chairman ng Ways and Means Committee – irerekomenda niya na huwag nang buwisan ang mga renta.

Bukod sa Bayan Muna Partylist, nagbanta rin ang party list coalition na kinabibilangan ng mga kooperatiba na i-aatras ang kanilang suporta sa panukala kapag hindi inalis ang probisyon na magbubuwis sa kanilang hanay.

DZXL558

Facebook Comments