Comprehensive Tax Reform Package, patuloy pa ding pinag-aaralan sa Senado

Manila, Philippines – Patuloy pa ring pinag-aaralan sa Senado ang Comprehensive Tax Reform Package.
Ayon kay Senator Sonny Angara – kailangan itong mabusisi para hindi maging pasakit sa taumbayan ang ilang pagbabago sa pagpapataw ng buwis.
Sa ilalim ng Tax Reform Package, 84 centavos kada-kilowatt hour ang madadagdag sa presyo ng kuryente.
Aabot naman 1.20 pesos ang idagdag sa pamasahe sa jeep at kung isasama ang kasalukuyang rate hike bunsod ng pagtaas ng krudo, magiging 11 pesos ang minimum fare sa jeep.

Facebook Comments