COMPRESSED WORKWEEK SA LAHAT NG OPISINA NG DENR SA REGION 1, KASADO NA SA ENERO 2026

Kasado na ang pagsisimula ng pagpapatupad ng flexible work arrangement sa lahat opisina ng Department of Environment and Natural Resources sa Ilocos Region simula Enero 5 hanggang Marso 2026.

Alinsunod umano ito sa kautusan na nilagdaan nitong Disyembre na nagtatakda ng pinaghalong on-site at work-from-home na setup o compressed workweek ng pagtatrabaho ng mga empleyado.

Sa pamamagitan nito, mabibigyang suporta ang kapakanan ng mga manggagawa kaakibat ng pagtitiyak ng pulidong serbisyo publiko.

Bukas ang mga opisina ng DENR mula Lunes hanggang Huwebes.

Abiso ng tanggapan, planuhin at gumawa ng iskedyul sa mga nakatakdang transaksyon sa tanggapan.

Facebook Comments