Compressor, hinihinalang dahilan ng pagsabog sa Tayuman, Manila na ikinasugat ng 4 katao

Posibleng ang isang compressor ng hindi pa tukoy na appliance ang dahilan ng pagsabog sa Tayuman, Manila.

Sa naturang pagsabog, hindi bababa sa apat ang sugatan.

Naganap ang pagsabog sa corner ng Tayuman at Dagupan Streets sa Tondo, Manila.

Agad namang nagtungo sa lugar ang mga emergency responder at mga otoridad para alalayan ang mga biktima.

Facebook Comments