Kinasuhan ng Subic Bay Metropolitan Authority o SBMA ang ilang empleyado, kasama na ang isang Chinese national, ng isang computer firm sa Subic Bay Freeport, matapos mapag-alaman ang ilegal na bentahan ng computers at monitors na nagkakahalaga ng ₱404,000.
Ayon sa ulat ng SBMA, isinagawa ang sting operation sa ECR World Technology (PH) Inc. na matatagpuan sa loob ng Subic Bay Gateway Park at nadakip si Zhonghua Yuan, isang Chinese national na quality control manager ng naturang kompanya.
Nakumpiska ng mga otoridad ang 65 piraso ng brand-new monitors na may market value na ₱1,600 bawat isa at 75 piraso ng used laptops na nagkakahalaga naman ng ₱4,000 bawat piraso.
Kasong paglabag sa Republic Act 9239 o Optical Media Act of 2003 ang isasampang kaso laban sa mga nadakip.