Computer system ng PhilHealth, asahang maibabalik na ngayong araw matapos pasukin ng mga hacker

Tiwala ang Philippine Health Insurance Corporation o (PhilHealth) na maibabalik na nila sa normal operations ang kanilang website ngayong araw.

Kasunod ito umano ng paghingi ng mga hackers ng $300,000 o katumbas ng P16 million ransom para maibalik ang nasabing mga data.

Naapektuhan sa nasabing hacking ay ang Health Care Institution (HCI) and member portal, at e-claims.


Matatandaan na ang pang bibiktima ng mga modus ay gumamit ng isang uri ng ransomware na tinatawag na Medusa.

Pagtitiyak naman nila na walang nakumpromisong mga personal information at medical information ng mga miyembro.

Samantala, patuloy naman na iniimbestigahan ng Department of Information and Communications Technology (DICT), National Privacy Commission (NPC), cybercrime units ng National Bureau of Investigation (NBI) at Philippine National Police (PNP) ang nasabing insidente.

Facebook Comments