Computer system sa check-in counter ng isang airline company, nagkaaberya; daan-daang pasahero, tambak sa NAIA terminal 3

Daan-daang pasahero ang apektado ngayon sa check-in counter ng Cebu Pacific sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) terminal 3.

Sa inisyal na impormasyon, nag-down ang computer system ng nasabing Airlines dahilan para maantala ang pagpasok ng mga pasahero.

Alas-3:20 ng madaling araw pa umano nagsimulang magkaaberya ang computer system maging ang kiosk na hindi na rin gumagana.

Kaugnay nito, posible raw na gawing mano-mano ang pag check-in ng mga pasahero na naka-schedule ang kanilang flight ngayong umaga.

Samantala, humingi naman ng paumanhin ang pamunuan ng NAIA dahil sa nangyaring aberya.

Facebook Comments