Manila, Philippines – Sa interview ng RMN kay Lacson, sinabi niya na ito ay kung ia-adopt ng Committee on Constitutional Amendments and Revisions of Law ang isinusulong niya na maupo ang Senado bilang ‘constituent assembly.’
Paliwanag ni Lacson, hadlang sa pagpasok ng mga foreign investor ang mahigpit na limitasyon na itinakda sa konstitusyon.
Sa ilalim ng 1987 Constitution, 40% lang ng isang korporasyon sa bansa ang maaaring ariin ng mga dayuhan.
Samantala, handa na ang ihahaing resolusyon ni Lacson sa pagbubukas ng sesyon sa Lunes.
Sa isinusulong na Con-Ass ng senador, ipinaliwanag ni Lacson na hindi na kailangang magdaos ng joint session para mag-convene bilang isang constituent assembly ang Kamara at Senado at kung may mga magkakaiba sa mga probisyon ay tatalakayin na lang ito sa bicameral conference committee.
Giit ni Lacson, ito ang pinaka-mabilis na proseso para makatiyak na hindi maipapasok ang personal na interes ng mga pulitiko na nagbabalak at nagsusulong ng kanilang term extension.