Kumakalat ngayon sa social media ang samu’t-saring reklamo tungkol sa mga customers na kinacancel bigla ang order kapag binili na ito ng Grab Express Food delivery driver.
Sinalaysay ni Facebook user Cee Cee sa BF Resort Las Piñas buy and sell anything FB group ang sinapit ng kaawa-awang delivery boy matapos i-drop ng mamimili ang kanyang order.
“Shoutout sa taga Carnival Park St, BF Resort na umorder ng grabfood kay Kuya sa Macao worth php975. Kuya was about to deliver your order ng bigla kang nagcancel. Hindi mo nawitness yung hitsura ni kuya na halos maiyak na kanina.. isang libo lang daw ang puhunan nya para sa araw na to pero ginanyan mo pa.”
Ayon sa concerned citizen, kung hindi makapaghintay ang matapobreng customer, dapat siya nalang mismo ang bumili.
“Sobrang haba ng pila sa Macao kanina. Be considerate naman po kayo dahil namumuhunan din ang mga drivers na yan.. maliit lang na halaga ang kinikita nila ipagdadamot nyo pa.”
Ang pangyayari ay nasaksihan mismo ng kanyang kaibigan.
“This incident happened in Macao Gloria Diaz BFRV na nawitness ng friend ko. Sana mabasa mo to kung sino ka man! Bahala na si Lord sayo.”
Binili ng kaibigan niya ang inorder na milk tea.
Hindi ito ang unang beses na may nagrereklamo tungkol sa mga iresponsableng mamimili.
Noong nakaraang buwan, nakita mismo ni Jody Dantes ang pagkalugmok ng isang drayber dahil sa parehong rason. Nagbigay siya ng tips para sa mga kapwa niyang mahilig gamitin ang Grab Food Express delivery service.
Narinig naman ni Cristy Jean Monta ang pagsusumamo ng isang driver na ibenta sa iba ang nabiling pagkain.
“Mangiyakngiyak po siya kase wala siyang pera para palitan yun bc the customer “cancelled his/her order” tas malapit na siya sa location na traffic lang kaunti. Sana naman sa mga mag oorder ng grabfood e consider niyo naman po yung traffic at tsaka ang pagpila pa ng driver para sa cravings niyo. Kung hindi mahaba pasensya niyo wag na kayo umorder, kayo na ho yung bumili,” pahayag niya sa Facebook post.
Mungkahi ng ilang netizens dapat magkaroon ng “no cancellation order policy” ang Grab Express kapag pinurchase na ito ng kanilang drivers.
Sa ngayon, wala pang reaskyon ang Grab ukol dito.