CONCERT | Celine Dion, nasa bansa na para sa 2 gabing concert

Manila, Philippines – Dumating na sa bansa si Grammy award winning singer Celine Dion.

Pasado alas-12:00 ng hatinggabi ng dumating si Celine para sa kaniyang dalawang gabing concert na magsisimula mamaya (July 19) hanggang bukas (July 20) na mapapanood sa Mall of Asia Arena.

Excited na nga si Celine dahil ito ang kaniyang kauna-unahang pagbisita sa Pilipinas kung saan kahit pa umuulan ay masaya pa din nitong kinakawayan ang mga Pinoy fans na sumalubong sa kaniya sa airport.


Facebook Comments