Concert ni Marcelito Pomoy sa Cauayan City, Isabela, Sa ika-labing Walo na ng Oktubre!

47

*Cauayan City, Isabela- *Nakatakdang isagawa sa susunod na linggo sa FLDY Coliseum ng Lungsod ng Cauayan ang konsyerto ng isa sa mga sikat na Pinoy na mang-aawit na si Marcelito Pomoy.

Ayon kay Mr. Warren de Guzman ng Master DJ Entertainment Media, marami umano ang mga dapat na abangan sa nalalapit na concert ni Pomoy nitong ikalabing walo ng Oktubre.

Bukod kay Marcelito Pomoy ay darating rin umano ang mga sikat na ‘Fashion Models’ mula sa Metro Manila.

Katuwang umano ng Master DJ Entertainment Media ang LGU Cauayan City at mga pribadong sector ng kumpanya para sa inihahandang konsyerto.

Ayon pa kay Mr. De Guzman na maaari umanong makabili ng ticket para sa nasabing concert sa mismong venue at maaari rin umanong tumawag o magtext sa kanilang textline na 0905-828-5969 para sa mga nais bumili ng ticket.

Samantala, napili bilang official radio partner ng ‘My Work, My Concert’ ni Marcelito Pomoy ang himpilan ng DWKD RMN Cauayan na gaganapin mula alas syete ng gabi nitong darating na ikalabing walo ng Oktubre taong kasalukuyan.

Facebook Comments