Conditional expanded good conduct time allowance, susuriin ng Kamara kung naipapatupad ng tama

Planong maghain ni House Committee on Justice Vice Chairman Alfredo Garbin ng resolusyon kung naipapatupad ng tama ang Republic Act 10592 o ang conditional expanded Good Conduct Time Allowance.

 

Ito ay kasunod ng balitang posibleng mapalaya si dating Calauan Mayor Antonio Sanchez na sangkot sa rape-slay case noong 1993.

 

Ayon kay Garbin, kailangang nasusunod ang batas at tanging mga karapat-dapat na inmates lamang ang makakapag-avail ng good conduct.


 

Malinaw aniya sa record na hindi kwalipikado sa early release si Sanchez dahil sa ipinamalas umanong good behavior nito dahil nakapagpuslit pa ito ng iligal na droga habang nakapiit sa New Bilibid Prison.

 

Dagdag pa ni Garbin, kung mapagbibigyan ang mga katulad ni Sanchez posibleng makinabang sa GCTA ang mga drug lord na nakabilanggo sa NBP na tumestigo sa Committee on Justice noong 17th Congress kaugnay sa smuggled na droga.

 

Ang pakikipagsabwatan umano ng mga ito sa Bureau of Customs ay hindi maituturing na good behavior tulad din sa pagpupuslit ng droga ni Sanchez.

Facebook Comments