Conditional implementation ng AKAP, tinitiyak na maiingatan ang paggamit sa pondo

Dinepensahan ni Senate Committee on Finance Chairperson Grace Poe ang conditional implementation ng Ayuda sa Kapos ang Kita Program (AKAP) sa ilalim ng nilagdaang 2025 General Appropriations Act.

Ayon kay Poe, ipinapakita lamang nito ang nagkakaisang responsibilidad na ingatan ang pondo na hindi masayang at magdoble ang mga benepisyaryo.

Sa pamamagitan aniya ng paglilinis sa guidelines ay matitiyak na ang nasa higit 4 million low-income earners kasama ang mga minimum-wage worker at mga nasa informal sector ay tuloy-tuloy na makakatanggap ng suportang kinakailangan.


Maging ang mga na-veto na proyekto sa DPWH ay isang malinaw na kapangyarihan ng pangulo bilang chief architect ng mga imprastraktura sa bansa.

Dagdag pa aniya rito, ang katiyakan ng economic team at PhilHealth board na ang surplus at reserve funds ay sapat na para sagutin ang mga indirect contributor at paghusayin ang mga benefit package tulad ng pananaw ng Kongreso na dapat gamitin muna ng PhilHealth ang kanilang standby funds bago humiling ng dagdag na subsidiya.

Facebook Comments