Manila, Philippines – Inihain ngayon ni Senator Win Gatchalian ang senate bill 1412 na naglalayong huwag nang singilin ang mga hindi pa nababayarang irrigation fee ng mga magsasaka sa bansa.
Umaabot na sa P13 bilyong piso ang hindi pa nababayarang irrigation service fees o ISF ng mga magsasaka at kooperatiba sa National Irrigation Authority o NIA.
Giit ni Gatchalian, kailangan ngayon ng suporta ng mga magsasaka mula sa hindi makatarungang pagkaka-baon sa utang dulot ng irrigation fee na na sinisingil sa kanila ng NIA.
Ayon kay Senador Gatchalian, dapat tulungan ng gobyerno ang mga kapus palad na magsasaka sa nararanasan nilang problemang pinansyal.
Binigyang diin ni Gatchalian, na ang mga magsasaka ang backbone ng sektor ng agrikultura kayat dapat pagtuunan ng pamahalaan ang kanilang kapakanan.
Nation”