Conference patungkol sa responsible jounalism at public policy, isasagawa ng PCO

Magsasagawa ang Presidential Communications Office (PCO) ng isang conference patungkol sa media and information literacy, responsible journalism, at public policy.

Batay sa ulat ng PCO, isasagawa ito October 25, 2023 sa isang hotel sa lungsod ng Makati.

Tinawag ng PCO ang event na ‘Maging Mapanuri Conference’.


Inimbitahan sa event na ito ang mga media, technology, civil society, at sa gobyerno.

Sa event na ito, ayon sa PCO ay magpapalitan ng ideya at kaalaman ang mga inimbitahang media experts at educators.

Limitado lamang ang bilang nang maaaring makadalo pero available ang event via Zoom Teleconference.

Maari lamang magregister sa https://pco.gov.ph/Join-Maging-Mapanuri-Conference ang mga nais makilahok.

Facebook Comments