CONFIDENT | Pangulong Duterte, masaya sa composition ng kanyang gabinete

Manila, Philippines – Inihayag ni Pangulong Duterte ang kanyang confidence sa lahat ng miyembro ng kanyang Official Family o mga Gabinete.

Ito ang sinabi ni Pangulong Duterte sa naganap na Christmas Party kasama ang kanyang buong gabinete noong nakaraang linggo.

Ayon kay Presidential Communications Secretary Martin Andanar, sa kanilang Christmas party kasama ang Pangulo ay sinabi ni Pangulong Duterte na masaya siya sa performance ng kanyang gabinete at malaki ang tiwala niya sa mga ito.


Ipinaalala lang aniya ni Pangulong Duterte sa kanila ang kanyang utos na iwasan ang katiwalian sa pamahalaan.

Masaya din aniya si Pangulong Duterte na mayorya ng kanyang gabinete ay hindi mga Pulitiko kaya hindi beholden o walang na utang na loob sa mga pulitiko o sa kahit sino pa man.

Facebook Comments